Pangulong Duterte, hindi makikipagkita sa mga rallyista sa kanyang SONA

By Rohanisa Abbas July 21, 2018 - 05:00 PM

FILE

Hindi personal na haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rallyista sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ayon kay Special Assistant to the President Bong Go.

Matatandang matapos ang kanyang SONA noong nakaraang taon, hinarap ni Duterte ang mga rallyista at tinawag na “bangungot” sa mga pulis sa pagbabantay sa seguridad ng Pangulo.

Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, naglatag na sila ng mga hakbang sakaling magbago ang isip ni Duterte at kausapin ang mga rallyista.

Magpapakalat ang PNP ng 6,000 pulis sa Batasang Pambansa na magbabantay para sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes.

TAGS: PNP, PNP chief Oscar Albayalde, Rally, Rodrigo Duterte, SAP Bong Go, SONA, PNP, PNP chief Oscar Albayalde, Rally, Rodrigo Duterte, SAP Bong Go, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.