2 sundalo patay, 3 iba sugatan sa pagpapasabog ng NPA sa Agusan del Sur

By Rohanisa Abbas July 21, 2018 - 04:27 PM

Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang tatlong iba pang sundalo sa pagsabog ng landmine na itinanim ng New People’s Army sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Ayon sa militar, naganap ang insidente sa Barangay San Juan noong Huwebes.

Pinasabog ng NPA ang improvised explosive device sa gitna ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at komunistang grupo na tumagal nang 20 minuto.

Ayon kay First Lt. Tere Ingente, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, kinilala ang mga nasawi na sina First Lt. Rod Michael Aspiras at Sgt. Ruben Canoy.

Nasugatan naman sina Corporal Rhuel Apura, Cpl. Roceller Guirero at Private First Class Christian Levi Penus.

Ipinahayag ni NPA Northeastern Mindanao Regional Committee spokesperson Ka Ariel Montero na ginawa nila ang pagpapasabog bilang mensahe sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinabulaanan naman ng NPA ang ulat ng militar na 27 sundalo ang napatay sa mga opensiba ng komunistang grupo mula July 5 hanggang 12.

TAGS: engkwentro, komunistang grupo, landmine, Militar, new people's army, NPA, sundalo, engkwentro, komunistang grupo, landmine, Militar, new people's army, NPA, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.