Ayon kay Supt. Benito Dipad, hepe ng Daraga police, ang walong plastic sachet ng pinahinalaang shabu ay hindi iligal na droga batay sa laboratory test na isinagawa ng pulisya. Nag-negatibo sa methamphetamine hydrochloride ang white crystalline substance na natagpuan sa bag ni Llana.
Maliban dito, sinabi ni Dipad na batay sa urine sample na kinuha sa broadcaster, hindi rin gumamit ng iligal na droga si Llana.
Ayon sa pulis, pinabulaanan ng resulta ng laboratory exam ang naunag ulat na posibleng sangkot sa iligal na droga ang biktima. Dagdag ni Dipad, hindi rin kasama sa narcolist ng gobyerno si Llana.
Ipinahayag ni Dipad na patuloy pa ang pagkalap ng Task Force Llana ng mga ebidensya at mga posibleng testigo para matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa mamamahayag.
Si Llana ay tinambangan kahapon ng umaga habang papasok ito sa radio station ng DWZR sa Legazpi City.