NGCP, naglatag ng preparasyon para sa pananalasa ng Habagat at Bagyong Josie

By Alvin Barcelona July 21, 2018 - 03:59 PM

FILE

Naglatag na preparasyon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para hindi masyadong makaapekto sa kanilang transmission operation at pasilidad ang Bagyong Josie at ang Habagat.

Kabilang dito ang pagtiyak sa maasahang communication equipment at availability ng mga piyesa para pasilidad na maaaring masira.

Naka-pre-position na rin ang kanilang mga line crews sa mga strategic na lugar para sa mabilis na pagresponde.

Ang mga nasabing hakbang ay ipinayo ng integrated disaster action plan ng NGCP upang maihanda ang kanilang transmission facilities sa posibleng epekto ng masungit na panahon.

 

TAGS: Bagyo, habagat, Kuryente, ngcp, Bagyo, habagat, Kuryente, ngcp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.