Mga konsehal sa Mindanao, hiniling na ma-exempt sa gun ban para sa kanilang seguridad

FILE

Hiniling ng Philippine Councilors’ League (PCL) sa Davao City na payagan silang magbitbit ng armas sa kabila ng gun ban na ipinatutupad sa Mindanao dahil sa martial law.

Ipinahayag ni Davao City Council Danil Dayanghirang, national chairperson ng PCL, na hiniling nila kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na i-exempt ang mga myembro ng PCL sa gun ban sa gitna ng mga pagpatay sa mga pulitiko kamakailan.

Batay sa liham ni Dayanghirang kay Lorenzana noong July 18, ilan sa mga myembro ng PCL ay may permit to carry firearms pero hindi sila pinapayagang magbitbit nito dahil sa gun ban.

Iginiit ng PCL na kinakailangan nilang magbitbit ng armas sa gitna ng banta sa seguridad na kinakaharap ng mga lokal na opisyal.

Sinabi ni Dayanghirang na matitiyak ng mga lokal na opisyal ang kanilang kaligtasan kapag na-exempt sila sa gun ban para protektahan ang sarili. /

 

Read more...