Dagupan City, Pangasinan isinailalim sa state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang Dagupan City sa Pangasinan dahil sa mga pagbaha sa malaking bahagi nito.
Bunsod ito ng patuloy na pag-ulan at high tide sa lugar.
Inilikas na sa evacuation centers ang mga residenteng apektado ng kalamidad.
Ayon kay Ron Castillo, resreach and planning officer ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, patuloy rin nilang binabantayan ang bayan ng Calasiao dahil sa pag-apaw ng Marusay River. Umabot na sa kritikal na antas ang ilog sa 10 talampakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.