Bagyong Josie nagpapaulan na sa malaking bahagi ng Luzon

Ganap ng bagyo ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA na kumikilos sa Luzon.

Sa kanyang pagpasok sa bansa ay pinangalanan ang nasabing tropical depression na “Josie” ng PAGASA.

Ayon sa 11am bulletin ng weather bureau, huling namataan ang si Josie sa layong 195 kilometro sa Kanluran Hilagang-Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong nasa 60 kph.

Kumikilos ng patungong Hilagang-Kanluran sa direksyon ng bagyo at inaasahang tutumbukin nito ang Babuyan Group of Island.

Kaugnay nito, itinaas ang signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Apayao at bahagi ng Abra.

Inaasahan na ang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales particular sa hilagang bahagi ng probinsya, Tarlac at sa Nueva Ecija.

Sinabi ng PAGASA na inaasahang hahatakin ng sama ng panahon ang Habagat na magdadala rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Read more...