6 na sasakyan wasak makaraang araruhin ng isang van sa QC

By Jimmy Tamayo July 21, 2018 - 10:58 AM

MMDA

Nasira ang anim na nakaparadang sasakyan nang araruhin ng isang van sa Eugenio Lopez Drive sa Quezon City, Sabado ng madaling araw.

Lango umano sa alak ang driver ng kulay silver na Starex van nang bungguin ang mga sasakyan.

Ang hindi kinilalang driver ng van ay agad na dinala sa Quezon City Traffic Sector 4 para isailalim sa imbestigasyon.

Bagaman hindi itinanggi na nakainom siya ng alak, ikinatwiran ng driver na nawala ang gulong sa harap ng kanyang sasakyan.

Sinabi pa nito na iligal na nakaparada ang mga binangga niyang sasakyan.

TAGS: eugenio lopez drive, starex, Vehicular accident, eugenio lopez drive, starex, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.