Inday, nakalabas na ng PAR; isa namang LPA pumasok ng bansa
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday kaninang ala-1 ng madaling araw.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 905 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.
Samantala, isang low pressure area naman ang pumasok sa bansa ngayon ding araw.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 270 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Inaasahan itong magiging bagong bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras at tatawaging ‘Josie’.
Kasalukuyan pa ring nakakaapekto ang Habagat sa ilang habagi ng Luzon.
Magdadala ng mga pag-ulan ang Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales at Bataan.
Paminsan-minsang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON at nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon partikular sa MIMAROPA at Bicol Region ay gaganda na ang panahon.
Maganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao at makararanas lamang ng mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.