Health records ng mahigit 1 milyong Singaporeans kabilang ang sa Prime Minister, nanakaw ng hackers

Nanakaw ng mga hacker ang health records ng aabot sa 1.5 million na Singaporean kabilang ang kay Prime Minister Lee Hsien Loong.

Naniniwala ang mga otoridad na ang health record ng prime minister ang talagang target ng hackers.

Ito na ang maituturing na biggest data breach sa kasaysayan ng Singapore.

Ayon sa joint statement ng health at information ministries ng Singapore well-planned ang ginawang pag-atake.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.

Read more...