Ayon PAGASA Weather Specialist Loriedin De La Cruz, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 945 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA patuloy na pinalalakas ng bagyong Inday ang Habagat na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Kabilang sa mga patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Bataan, Zambales, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas din ng minsanang pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa Visayas at Mindanao at makararanas lang ng isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, ang Low Pressure Area na nasa labas ng bansa ay huling namamtaan ng PAGASA sa 435 kilometers West ng Laoag, Ilocos Norte.
Ngayong weekend ay inaasahang papasok na ito sa bansa.