Bagong exit ramp sa Skyway Stage 3 NB binuksan ng DPWH
Binuksan na ang tatlong linya sa northbound direction ng Skyway Stage 3 mula sa Buendia Avenue hanggang sa malapit sa Java Street sa Makati City.
Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar ang pagbubukas sa naturang bahagi ng Skyway na maari nang magamit ng mga motorista.
Sa abiso ng DPWH, sa halip na gamitin ang Buendia bilang off ramp, maari nang mag-exit ang mga motorista sa temporary ramp sa Java Street.
Ang naturang bahagi na binuksan ay may habang 1-kilometer at magiging bukas hanggang sa matapos ang Phase 1 ng proyekto.
Ang Skyway Stage 3 ay 6-lane elevated expressway mula Buendia hanggang sa Balintawak, Quezon City at may habang 17.54 kilometers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.