Public viewing ng ‘Tamang Panahon’ event ng Eat Bulaga magaganap sa pitong lugar sa bansa

maine and alden 2Dahil inaasahang marami ang mabibigong personal na magtungo sa Philippine Arena lalo na ang mga nasa malalayong lalawigan, magkakaroon ng public viewing ng “Tamang Panahon” episode ng Eat Bulaga sa pitong magkakaibang lugar sa bansa.

Inanunsyo kanina ng noontime show ang pagkakaroon ng public viewing para mabigyang pagkakataon ang mga nais makanoon sa Philippine Arena, pero naubusan na ng tickets, gayundin ang mga nasa malalayong lalawigan na hindi makakaluwas para magpunta sa Arena bukas.

Ang pinakaaabangang “Tamang Panahon” episode ay mapapanood sa mga sumusunod na lugar:

1. Diwa Sports Comples sa Brgy. Tugatog, Malabon City

2. Bagong Lipunan Covered Court sa Brgy. Western Bicutan, Taguig City

3. Brgy. Sala Covered Court sa Brgy. Sala, Cabuyao, Laguna

4. Brgy. Aplaya Covered Court sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas

5. East Central Integrated School sa Brgy. Mayombo, Dagupan City

6. Brgy. Tinago Sports Complex sa Brgy. Tinago, Cebu City

7. Ciudad de Esperenza Gym sa Brgy. Cabantian, Davao City

Dalawang araw matapos buksan ang bentahan ng ticket para bukas ay agad itong naubos. Dahil dito, marami ang gusto pa sanang makanood sa Arena pero naubusan na ng ticket.

Read more...