Marikina River ibinaba muli sa 1st alarm

Ibinaba na muli sa 1st alarm ang status ng Marikina River.

Unti-unti kasing nababawasan ang water level ng ilog na as of alas 3:00 ng hapon ng Biyernes ay nasa 15.8 meters na lamang.

Nabawasan din kasi ang pag-ulan na naranasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa ilalim ng 1st alarm, inaalerto at pinaghahanda lamang ang mga residente na naninirahan sa mga mabababang lugar sa posibleng paglikas.

Biyernes ng umaga ay iniakyat sa 2nd alarm ang Marikina River matapos lumagpas sa 16 meters ang water level.

Read more...