Sasakyan na may lulang tatlong preso, pinagbabaril sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 02:46 PM

CDN Photo

Pinaulanan ng bala ang sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mayroong sakay na tatlong preso at dalawang tauhan ng BJMP sa Talisay City Cebu.

Naganap ang insidentepasado alas 9:00 ng umaga sa bahagi ng Barangay Linao.

Ayon kay Supt. Marlu Conag, Talisay City Police Chief, nagawang makadiretso ng sasakyan sa kabila ng pamamaril dito at agad nagtungo sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng lunas ang mga nasugatang sakay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Naganap ang insidente halos isang oras lang ang pagitan matapos ang pananambang naman sa isang kagawad ng barangay sa Talisay City.

TAGS: cebu, Strafing incident, Talisay City, cebu, Strafing incident, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.