Mga empleyado ng Korte Suprema sa mga lugar na binabaha pinayagang umuwi ng maaga

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 02:30 PM

Pinayagan nang umuwi ng Korte Suprema ang mga empleyado ng korte sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.

Sa abiso ng Supreme Court, inaprubahan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio and early dismissal sa mga trial court.

Ipinaubaya ni Carpio sa mga executive judge ang pagpapasya kung maari nang magpauwi ng mga empleyado lalo na kung ang kanilang lugar ay binabaha.

Simula Biyernes ng madaling araw inuulan na ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa Habagat na pinalalakas ng bagyong Inday.

Maraming pasahero ang na-stranded at hindi na nakapasok ng trabaho dahil sa pagbaha at walang masakyan.

TAGS: early dismissal, Radyo Inquirer, Supreme Court, weather, early dismissal, Radyo Inquirer, Supreme Court, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.