Panibagong kaso ng media killing kinondena ng Malakanyang

Kinondena ng Malakanyang ang pinakabagong kaso ng media killing sa bansa.

Kasunod ito ng pamamaslang sa Daraga, Albay sa radio broadcaster na si Joey Llana.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi titigil ang Task Force Media Killings sa paghahanap ng katarungan para sa nasawing mamamahayag ng radio station DWZR.

Base sa report, palabas sa garahe ng bahay nito sa Barangay Peñafrancia ang biktima bandang 5:00 ng umaga ng Biyernes nang bigla itong lapitan ng mga hindi nakilalang salarin at pagbabarilin.

Sinabi pa ni Roque na ang pamamaslang kay Llana ay isa na namang kaso ng paglabag sa right to life at free press sa bansa.

Read more...