P112B sin tax nakulekta sa kalahati ng taong 2018

By Jan Escosio July 20, 2018 - 12:44 PM

Inquirer file photo

Nahigitan ng gobyerno ang target na koleksyon nito sa excise taxes o mga buwis sa mga tinaguriang ‘sin products.’

Ayon sa Department of Finance, umabot sa P152.72 bilyon ang nakolektang ‘excise taxes’ simula noong Enero hanggang nitong Hunyo, na mas mataas ng 11.6 porsiyento sa target na P136.8 bilyon.

Sinabi ni Finance Asec. Mark Dennis Joven ang sobra sa target na koleksyon ay dahil sa mga buwis sa mga sigarilyo at alak.

Aniya ang kanilang ‘sin tax collections’ sa unang kalahati ng taon ay umabot sa P112.46 bilyon na mataas ng 45 porsiyento sa kanilang target na P77.54 bilyon

Samantala ang excise tax collections naman sa mga sasakyan ay umabot ng P2.92 bilyon na mababa ng 14 porsiyento sa target at halos isang porsiyento lang na mataas sa naitalang P2.92 bilyon sa katulad na panahon noong 2017.

Kinapos naman ng 31 porsiyento sa target ang nakolektang P18.3 bilyon sa mga produktong petrolyo, gayundin sa mga inuming may asukal tulad ng softdrinks at juices na nakolektahan lang ng P17.65 biyon na excise tax.

TAGS: BUsiness, DOF, excise tax, Radyo Inquirer, Sin Tax, BUsiness, DOF, excise tax, Radyo Inquirer, Sin Tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.