Traffic enforcer patay sa pananambang sa Laguna

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 10:25 AM

Patay ang isang traffic enforcer makaraang tambangan sa Laguna.

Ayon kay San Pablo City Police chief, Supt. Danilo Mendoza, naganap ang insidente alas 8:00 ng umaga ng Biyernes sa regidor Street sa Barangay VII-E.

Naka-duty umano ang biktimang si Manuel Reazo nang maganap ang pananambang kaya pinaniniwalaang may kaugnayan sa kaniyang trabaho ang insidente.

Sinabi ni Mendoza na mayroong nakasagutang motorista si Reazo at inisyuhan niya ito ng ticket dahil sa traffic violation.

Maari umanong binalikan ng naturang motorista si Reazo at saka ito tinambangan.

Sa pahayag ng mga nakasaksi agad na tumakas ang suspek patungo sa bahagi ng palengke ng San Pablo matapos ang pamamaril.

TAGS: ambush incident, Radyo Inquirer, Sam Pablo City Laguna, ambush incident, Radyo Inquirer, Sam Pablo City Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.