Yellow warning nakataas sa Zambales; heavy hanggang intense na pag-ulan nararanasan sa Metro Manila

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 10:18 AM

Dahil sa malakas na buhos ng ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Inday, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Zambales.

Sa 10:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning level sa Zambales.

Babala ng PAGASA maaring magdulot ng pagbaha ang nararanasang pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Heavy hanggang intense naman ang pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Laguna, at Quezon na tatagal sa susunod na 2 oras.

Ang parehong lagay ng panahon ay nararanasan din sa Cavite at Batangas.

Habang mahina hanggang katamtaman, at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nakaaapekto sa Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

TAGS: Radyo Inquirer, rainfall warning, weather, yellow warning level, zambales, Radyo Inquirer, rainfall warning, weather, yellow warning level, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.