Sasakyang naglalaman ng pampasabog na ibibiyahe sa Cotabato City naharang ng mga otoridad

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 10:11 AM

Naharang ng mga otoridad ang tangkang pagpapasabog sa Cotabato City.

Rumesponde ang mga pulis at sundalo makaraang makataangap ng tip mula sa mga residente na mayroong bomba na idadaan sa bahagi ng national highway patungo sa nasabing lungsod.

Ayon kay SPO2 Ping Guiaman, agad nagtayo ng checkpoints kung saan naharang ang isang cargo passenger can na galing sa Shariff Aguak sa Maguindanao.

Nang inspeksyunin ang sasakyan na may plakang ABT-6892, natagpuan ang kahon na naglalaman ng IED na mayroong cellphone na gagamiting triggering device.

Hindluan pa umano ito ng corn grains para hindi mahalata.

Sinabi ni Guiaman na base sa impormasyong kanilang nakuha, pawang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang may-ari ng mga pampasabog at dadalhin sana ito sa Barangay Rosario Heights 10 sa Cotabato City.

TAGS: Cotabato City, IED, provincial, Radyo Inquirer, Cotabato City, IED, provincial, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.