Dalawang eroplano ng Cebu Pacific na lalapag dapat sa NAIA na-divert sa Clark

File Photo

Dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Metro Manila, dalawang eroplano ng Cebu Pacific ang na-divert sa Clark Airport sa Pampanga.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa halip na sa NAIA terminal 3 lalapag ang flight 5J 752 Saigon – Manila at 5J 679 Shanghai Pudong – Manila ng Cebu Pacific ay sa Clark lumapag ang dalawang eroplano.

Samantala, sa NAIA Terminal 4 naman, kanselado na ang biyahe ng Air Asia na Z2 438/439 Manila – Puerto Princesa – Manila.

Gayundin ang flights Z2 773/774 na biyaheng Manila-Cebu-Manila.

 

Read more...