Yellow warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa 7AM advisory ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 07:51 AM

Dahil sa malakas na buhos ng ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Inday, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa 7:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning level ang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija.

Babala ng PAGASA maaring magdulot ng pagbaha ang nararanasang pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas at Northern Quezon na tatagal sa susunod na 2 hanggang 3 oras.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 10:00 ng umaga.

 

TAGS: Pagasa, warning, weather, yellow rainfall, Pagasa, warning, weather, yellow rainfall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.