Maraming lansangan sa Metro Manila binaha
Dahil sa nararanasang pag-ulan simula pa kagabi, marami nang lansangan sa Metro Manila ang binaha.
Sa Makati City, four feet ang lalim ng tuibig baha sa Magallanes tunnel kaya as of alas 4:00 ng umaga ay hindi na ito passable sa mga motorista.
Sa iba pang bahagi ng Makati, nakapagtala ng mga pagbaha sa mga Barangay La Paz, Olympia, San Lorenzo, Singkamas, San Antonio, Pio Del Pilar, sa Southside, Pembo, at Rizal.
May lalim na 5 hanggang 24 inches ang naitalang tubig baha sa nasabing mga barangay.
Sa abiso naman ng MMDA, nakapagtala na rin ng gutter deep na pagbaha ang mmda sa bahagi naman ng Tramo Andrews hanggang Domestic road sa Pasay City.
Nakapagtala din ng half tire na pagbaha sa MIA Road bago ang Domestic Road Westbound.
Habang sa bahagi ng NAIA Terminal 2 may naitala na ring gutter deep na pagbaha pero passable pa naman ito sa mga motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.