7 arestado matapos maaktuhang nagsasagawa ng pot session

Arestado ang pito katao na naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa Brgy. New Lower Bicutan, Taguig.

Nagsasagawa ng simultaneous anti-criminality law enforcement operations ang Taguig City Police sa lugar nang mahuli ang pito na gumagamit ng droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Jordan Karim, Razul Mama, Saharani Gutierrez, Zainuden Pendatun, Zaldy Docor, Mary Salusa at Abdul Jabbar Angas.

Nakuha sa mga ito ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 13 gramo at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakapiit ang pito sa Taguig City detention cell habang inihahanda ang kaso sa kanila sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...