Bagyong Inday bahagya pang lumakas habang nasa Philippine Sea

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 05:23 AM

Patuloy na nagpapaulan ang Habagat na hinahatak ng Bagyong Inday sa malaking bahagi ng Luzon.

Sa 5AM press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 995 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong na aabot sa 105 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras at inaasahang lalabas ng bansa bukas ng umaga.

Patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ang Habagat na hinahatak ng bagyong Inday.

Sa ngayon, nakararanas ng mga katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan dulot ng Habagat ang Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan at Metro Manila.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-uulan na minsan ay may kalakasan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman ang iiral sa Visayas at Mindanao na may posibleng mga biglaang buhos ng ulan dulot lamang ng localized thunderstorms

Nakataas ang gale warning sa mga karagatan sa bahagi ng Zambales at Bataan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.