Anak ni dating Senador Robert Jaworski nagpiyansa sa kasong attempted murder at illegal possession of firearms
Naghain na ng piyansa sa Makati Regional Trial Court ang anak ni dating senador Robert Jaworski sa kinakaharap nitong kasong attempted murder at illegal possession of firearms.
Ang abogado ni Ryan Jaworski na si Atty. Richard Nethercott ang naghain ng P600,000 na piyansa sa korte.
Ayon kay Nethercott hindi niya isinama sa paghahain ng piyansa ang kaniyang kliyente dahil nagpapagaling pa umano ito sa ospital.
Si Jaworski at ang kasama nitong nakilalang si Joselito Au were ay inaresto noong September 19, matapos masangkot sa engkwentro.
Ang isa pang kasama nina Jaworski na nakilalang si Ferdinand Parago ay nakatakas.
Batay sa report, pinaputukan umano ng grupo ni Jaworski ang mga tauhan ng pulisya na nakita nilang bumubuntot sa kanila.Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para tamaan sa binti si Jaworski.
Sinusundan umano ng mga pulis noon ang grupo ni Jaworski dahil sa hinalang sangkot sila sa illegal drugs at gunrunning activities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.