Crime rate sa buong bansa bumaba ng 21.4%; kaso ng murder sa NCR tumaas ng 112%

Bumaba ng 21.48 percent ang crime rate sa buong bansa mula July 2016 hanggang June 2018 kumpara sa naitala sa kaparehong panahon mula taong 2014 hanggang 2016.

Ayon sa datos ng Philippine National Police mula sa 1,325,789 na kaso ay bumaba ito sa 1,050,987.

Lahat ng ‘crimes against persons’ tulad ng physical injury, homicide at rape ay bumaba maliban na lamang sa murder.

Sa buong bansa, tumaas ng 1.50 percent ang bilang ng murder cases ngunit kapansin-pansing lumobo ng 112 percent sa Metro Manila.

Naitala ang 3,444 kaso ng murder sa Metro Manila mula July 2016 hanggang June 2018 kumpara sa 1,621 na kasong naitala noong July 2014 hanggang June 2016.

Tumaas din ang murder rate sa Ilocos Region sa 35.48 percent, sa Central Luzon sa 3.20 percent at sa Cordillera na may 1.4 percent.

Ang ‘crimes against property’ naman tulad ng robbery, theft, carnapping at catle rustling ay bumaba ng 58.50 percent o 68,549 cases mula sa 165,178 na naitala noong July 2014 hanggang June 2016.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durana, ang pagbaba sa bilang ng krimen sa nakalipas na dalawang taon ay dahil sa epektibong paglaban dito sa pamamagitan ng giyera kontra droga.

“The Duterte administration hit it right, meaning they hit the nail to the head ika nga, so to speak. That if you’re going to reduce crime, improve the peace and order, sense of public safety of the people, deal with the problem on illegal drugs, and we will make our communities safer than before,” ani Durana.

Read more...