Kotse ni Kim Chiu binangga ng bus

By Justinne Punsalang July 20, 2018 - 12:44 AM

Kim Chiu

Naaksidente ang aktres na si Kim Chiu habang binabagtas niya ang EDSA kagabi.

Sa Instagram stories ng aktres ay ibinahagi nito na nang komprontahin ang driver ay ayaw nitong ibigay ang kanyang lisensya at company ID.

Hinala pa nito, colorum ang nasabing bus.

Hiniling pa ng aktres na gawan ng aksyon ng Land Transportation Office (LTO) ang mga katulad na bus companies.

Samantala, wala namang sinabi si Kim kung nasaktan ba siya at kanyang mga kasama dahil sa aksidente.

Bukod sa naturang dalawang Instagram stories ni Kim ay wala nang inilabas na detalye ang aktres tungkol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.