Klase sa Quezon City kanselado sa Lunes para sa SONA

2016 SONA

Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Quezon City sa darating na Lunes, July 23.

Ito ang iniutos ni QC Mayor Herbert Bautista para sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Inaasahan na magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue, at Batasan dahil sa ulat sa bayan ng presidente.

Nauna nang nag-abiso ang iba’t ibang militanteng grupo at mga pro-Duterte groups na magsasagawa ng pagtitipon kasabay ng SONA ni Duterte.

Read more...