Bahagyang lumakas ang bagyong Inday at huling namataan sa layong 1,055 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Sa 11pm press briefing ng PAGASA, taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.
Tinatahak nito ang direksyong Hilaga Hilagang-Silangan sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Inaasahang bukas, Biyernes, lalakas pa ang bagyo mula sa pagiging ‘tropical storm’ sa ‘severe tropical storm’.
Sa Sabado ng umaga ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Patuloy na hinahatak ng bagyong Inday ang hanging Habagat na patuloy na magdadala ng pagpapaulan ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.
Mararanasan naman ang kalat-kalat na pag-uulan na mahina hanggang katamtaman o paminsan-minsan ay may kalakasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman ang iiral sa Visayas at Mindanao na may posibleng mga biglaang buhos ng ulan dulot lamang ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.