Interconnection rates sa tawag at text binawasan ng NTC

Iniutos ng National Telecommunications Commission na tapyasan ang interconnection rates para sa short messaging services at voice service.

Sa memorandum, sinabi ng NTC na ang interconnection charges ay babawasan ng P0.50 kada minuto para sa voice service o sa tawag at P0.05 kada SMS o text message.

Ang bagong rates ay magiging epektibo labing limang araw, matapos na mailathala ang memorandum sa mga pahayagan at maihain ang kopya sa University of the Philippines Law Center.

Ang anumang paglabag naman sa utos ay may katapat na parusa.

Bago ang direktiba ng NTC, ang interconnection rates ay P2.50 kada minuto sa voice service habang P0.15 para sa text message.

Read more...