DOTr: Pamamahagi ng mga modernong jeepney sisimulan na
Mahigit sa dalawang daang modernong pampasaherong jeepney ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan bukas (July 20).
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, ito ay bahagi ng PUV modernization program ng gobyeno na palitan ang mga public utility vehicles, na may edad labing limang taon o mas mataas pa.
Ang distribusyon ng mga bagong jeepney ay gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila bukas.
Ang makatatanggap ng modernong jeep ay ang operators na may prangkisang kumpirmado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Ang mga unit ay may slide doors, mas mataas ang ceiling at mas maluwag kumpara sa makalumang jeepneys, upang mas kumportable ang mga mananakay.
Accessible din ang mga ito sa person with disabilities o PWDs; may WiFi, GPS, CCTVs, dash camera, speed limiter at automatic fare collection system.
Sinabi ng DOTR na kumpara sa mga lumang jeepney, tiniyak na ang mga modernong jeep ay alinsunod sa Clean Air Act of 1999 para less pollution.
Ang mga modernong jeepney ay may Class 1 na kasya ang 9 hanggang 22 na pasahero; Class 2 o malaki para sa 22 na pasahero pataas at pwede ang tayuan; at Class 3 na kayang magsakay ng 22 na pasahero, pero lahat nakaupo o bawal ang tayuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.