Sister Patricia Fox ipinatatapon na palabas ng bansa

Inquirer file photo

Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration ang deportation kay Australian missionary Sister Patricia Fox.

Ito ay makaraang sumalang sa pagdinig ang deportation case ng nasabing madre.

Nauna dito ay ipinag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra na isalang sa review ang naunang desisyon ng Immigration Bureau kaugnay sa revocation ng missionary visa ni Fox.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama si Fox sa ilang mga kilos-protesta na inorganisa ng mga militanteng grupo laban sa pamahalaan.

Siya ay binigyan lamang ng 30 araw para sa kanyang temporary visitor’s visa.

Read more...