Nadiskubreng patay ang isang leatherback sea turtle sa dagat ng Balatan, Camarines Sur.
Ayon kay Janice Barrientos na isang agriculture technologist sa lugar, natagpuan ng mga mangingisda ang pawikan dakong alas-10 kaninang umaga sa Barangay Luluwasan.
May bigat itong 200 kilo at habang 7.2 metro.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol spokesperson Nonie Enolva, isasailalim pa sa necropsy ang pawikan para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.
Sinabi ni Enolva na posibleng nasawi ito dahil sa katandaan, sakit, nakakain ng basura, tinamaan ng bangka o nalunod dahil sa malalakas na alon bunsod ng habagat.
Itinuturing ng International Union for Conservation of Nature and Natural Resource ang leatherback sea turtle na isa sa endangered species o hayop na posibleng tuluyan nang maubos sa nalalapit na panahon.