Leatherback turtle nakitang patay sa Camarines Sur

By Rohanisa Abbas July 19, 2018 - 04:27 PM

Inquirer file photo

Nadiskubreng patay ang isang leatherback sea turtle sa dagat ng Balatan, Camarines Sur.

Ayon kay Janice Barrientos na isang agriculture technologist sa lugar, natagpuan ng mga mangingisda ang pawikan dakong alas-10 kaninang umaga sa Barangay Luluwasan.

May bigat itong 200 kilo at habang 7.2 metro.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol spokesperson Nonie Enolva, isasailalim pa sa necropsy ang pawikan para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sinabi ni Enolva na posibleng nasawi ito dahil sa katandaan, sakit, nakakain ng basura, tinamaan ng bangka o nalunod dahil sa malalakas na  alon bunsod ng habagat.

Itinuturing ng International Union for Conservation of Nature and Natural Resource ang leatherback sea turtle na isa sa endangered species o hayop na posibleng tuluyan nang maubos sa nalalapit na panahon.

TAGS: camarines sur, leatherback sea turtle, necropsy, camarines sur, leatherback sea turtle, necropsy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.