11 sasakyan nagbanggaan sa NLEX

By Isa Avedaño-Umali July 19, 2018 - 04:17 PM

Labing isang sasakyan ang nagkarambola sa North Luzon Expressway o NLEX.

Sa advisory ng NLEX, naganap ang aksidente bago mag-12:30 ng tanghali.

Dahil dito, naging mabigat ang daloy ng trapiko, partikular bago ang Smart Connect Mindanao Avenue, na sakop pa ng Valenzuela City South Bound.

Tumukod ng hanggang sa Meycauayan, Bulacan ang pila ng mga sasakyan dahil sa nasabing aksidente.

Kabilang sa mga nadamay sa karambola ay isang UV Express, at may napaulat na sugatan na dinala na sa pagamutan upang lapatan ng lunas.

Isinagawa na ang clearing operations sa lugar. Iniimbestigahan na rin ang sanhi ng karambola.

TAGS: meycauayan bulacan, mindanao avenue, NLEX, Valenzuela City, meycauayan bulacan, mindanao avenue, NLEX, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.