10 player, 2 coach ng Gilas Pilipinas sinuspinde at pinagmulta
Sampung mga players at dalawang coaches ng Gilas Pilipinas ang sinuspinde ng Fiba makaraan ang naganap na rambol sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa Fiba World Cup Asian Qualifiers noong July 2.
Pinakamabigat ang ipinataw na parusa kay Calvin Abueva na suspendido ng anim na laro.
Five-game ban naman ang ipinataw kina Roger Pogoy, Carl Cruz at Jio Jalalon.
Sina Terence Romeo, Jayson Castro William, Andray Blatche at Jeth Troy Rosario ay mayroong tatlong larong suspensyon.
Samantalang one-game suspension naman ang ipinataw kina Japeth Aguilar at Matthew Wright.
Si Assistant Coach Jong Uichico ay pinatawan ng three-game suspension samantalang isang laro naman para kay Chot Reyes kabilang na ang multang aabot sa CHF 10,000 (P534,834) dahil sa “inciting unsportsmanlike behavior” ayon sa Fiba.
Sa kabuuan ay aabot sa CHF 250,000 o katumbas ng P13,373,002 ang ipinataw na multa sa Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa pagkakasangkot ng kanilang mga players kaguluhan.
Samantala, pinatawan naman ng five-game suspension si Daniel Kickert, three-game suspension para kay Thon Maker at isang larong suspensyon para kay Chris Goulding.
Dahil sa pagkakasangkot sa gulo ay pinagmulta rin ang Australia ng kabuuang CHF100,000 o katumbas ng P5,349,200.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.