Mga paring duwag na ipaglaban ang katotohanan, walang karapatang maging pari – CBCP Vice President

By Ricky Brozas July 19, 2018 - 12:15 PM

FILE

Hinamon ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Bishop Virgilio Pablo David ang mga kaparian na manindigan at ipaglaban ang katotohana. Ito’y kasunod ng pagpaslang sa tatlong pari.

Sa ginanap na Philippine Conference On New Evangelization 5, sinabi ni Bishop David na bilang alagad ng Diyos dapat ipaglaban ang katotohanan at huwag matakot sa anumang banta sa kanilang buhay dahil alalayan sila ng mga anghel sa kalangitan.

Ikinadismaya rin ni Bishop David na obispo rin ng Caloocan City ang mga nangyayaring umano’y extrajudicial killings sa kanyang Parokya kung saan hindi umano nito naipagtanggol ang kanyang mga tupa sa mga nangyayaring patayan.

Giit ng obispo ng Caloocan, bilang tinawag ng Panginoong Hesukristo na pastol ng mga naliligaw na tupa, napapanahon na aniya upang magkaisa sila sa iisang adhikain na ipagtanggol ang kanilang mga tupa sa mga nangyayaring patayan sa kanilang mga parokya at manindigan tungo sa iisang adhikain na ilapit ang tao sa Diyos.

TAGS: Bishop Virgilio Pablo David, CBCP, pari, Bishop Virgilio Pablo David, CBCP, pari

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.