$26.5 milyon ayuda, ipinangako ng US sa Pilipinas kontra terorismo

By Rohanisa Abbas July 19, 2018 - 11:48 AM

FILE

Nangako ng $26.5 milyon ayuda ang United States sa Pilipinas, partikular sa law enforcement agencies para paigtingin ang laban sa terorismo.

Ayon sa US Embassy, magbibigay ang US ng mga kagamitan, pagsasanay at iba pa sa susunod na dalawang taon para mapalakas ang kapasidad ng Pilipinas kontra terorismo.

Palalakasin din nito ang imbestigasyon ng mga ahensya at usigin ang mga terorista.

Ipinahayag ng embahada na ang pagbibigay-ayuda ng US sa law enforcement ay naaayon sa pangako nito na palakasin ang kakayanan ng Armed Forces of the Philippines kontra terorismo.

 

TAGS: counter terrorism, Terorismo, united states, US Embassy, counter terrorism, Terorismo, united states, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.