Itinalaga na ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III si Rainier Cruz III bilang bagong Director General ng Bureau of Corrections o BuCor kapalit ni Franklin Bucayo na umalis dahil sa problema sa kalusugan.
Nakalagay sa appointment paper ni Cruz na pinirmahan ni Pangulong Aquino noong June 16, 2015 na co-terminus ito sa appointing authority o hanggang sa matapos lamang ang termino ni Pangulo.
Si Cruz ay dating Lt. General at Commander ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines o AFP at nagretiro sa serbisyo noong September 6, 2014
Samantala, inappoint na rin ni Pangulo si Jose Luis Martin Gascon bilang bagong Chairman ng Commission on Human Rights o CHR kapalit ng nagretirong si Loreta Ann Rosales.
Kasabay ni Gascon na itinalaga sa CHR sina Karen Gomez Dumpit, Gwendolyn Pimentel-Gana at Leah Tanodra-Armamento bilang mga bagong Commissioner kalapit naman ng mga umalis na sina Rachel Quisumbing, Norberto Dela Cruz at Maria Victoria Cardona.
Ang mga bagong opisyal ng CHR ay may termino na hanggang May 5, 2022 -Alvin Barcelona/Jong Manlapaz