DOTr, bukas sa pagpapatupad ng fuel surcharge ng airline companies
Bukas ang Department of Transportation (DOTr) sa pagpataw ng fuel surcharge ng airline companies bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DOTr Undersecretary Antonio Tamayo, nakikipagdayalogo na ang Civil Aeronautics Board (CAB)sa airline companies sa bansa para magkaroon ng fare matrix scheme para rito.
Sinabi ni Tamayo na nais ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ng economic managers na magkaroon ng template sa pagbabago sa surcharge para ito na ang pagbabasehan kung sakaling magkaroon muli ng pagbabago sa presyo ng petrolyo.
Ipinaliwanag ni Tamayo na maiibsan ng fuel surcharge ang mga nalugi sa kompanya bunsod ng mas mataas na halaga ng petrolyo. Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan ang pagkansela ng airline companies sa mga rutang nawawalan sila ng kita.
Noong 2017, naitala ng Philippine Airlines ang P6.9 bilyon lugi dahil sa presyo ng petrolyo. Noong 2016, bumagsak naman nang P9.75 bilyon ang kita ng Cebu Pacific dahil sa presyo ng langis at operating expenses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.