Muling naantala ng masamang panahon ang paghahatid ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) sa merkado mula sa mga pantalan.
Ipinahayag ito ni NFA spokesperson Rex Estoperez.
Aniya, unti-unting dinidiskarga ang mga bigas sa sandaling tumigil ang pag-ulan.
Halos 100% na ng imported na bigas na binili sa ilalim ng government-to-government deals ang naihahatid sa bansa pero hindi pa ito tuluyang naipakakalat sa lokal na pamilihan.
Aminado naman si Estoperez na hindi pa rin bumababa ang presyo ng commmercial rice dahil hindi pa tuluyan nasa-saturate ng NFA rice o hindi pa sapat ang dami nito sa merkado para magbaba ng presyo ang pribadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.