Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nabawasan na

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 19, 2018 - 08:53 AM

Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa datos ng Philippine Coast Guard 96 na pasahero na lang ang nananatiling stranded at ang mga ito ay pawang nasa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Mayroong namang mga stranded na barko sa mga pantalan ng El Nido, Coron, Nagoya, at Puerto Bay sa Palawan.

Habang mayroon ding isang stranded na barko sa Caticlan Port sa Aklan.

Mayroon namang limang stranded na motorbanca sa Mabini Port at 1 motorbanca din sa Calatagan Port sa Batangas.

 

TAGS: coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.