Pang-70 batang naturukan ng Dengvaxia at nasawi isinailalim sa otopsiya ng PAO

Umabot na sa pitumpung mga bata ang naisailalim sa otopsiya ng Public Attorney’s Office (PAO).

Gaya ng ibang bata, ang 12 anyos na si Jericho Espinilla ay naturukan din ng Dengvaxia.

Wala umanong history ng dengue at anumang sakit si Espinilla nang siya ay bakunahan ng anti-dengue vaccine.

Dalawang beses dosage ng Dengvaxia ang naibigay sa bata.
Gaya ng ibang naunang mga nasawi, lung at brain hemorrhage ang dahilan ng pagkamatay ni Espinilla.

Nakitaan din ito ng pagdurugo ng utak at pamamaga ng internal organs.

Read more...