Kapitan ng barangay sugatan sa pamamaril sa GenSan
Sugatan ang kapitan ng barangay makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa General Santos City.
Ginagamot sa ospital si Jonalyn Sumagka, na kapitan ng Barangay Baluntay sa bayan ng Alabel, Sarangani makarang magtamo ng tama ng bala ng baril sa tagiliran.
Ayon sa nakasaksi, hindi pa nakakababa ng sasakyan si Sumagka nang siya ay pagbabarilin ng suspek.
Tatlong putok ng baril ang nadinig ng mga residente sa lugar at matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa isnidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.