Direk Joyce Bernal hindi na magpapabayad sa serbisyo niya sa SONA sa Lunes

By Erwin Aguilon July 19, 2018 - 07:56 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Makatitipid na ang Malakanyang sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23.

Ito ay dahil sa hindi na maniningil ng talent fee ang award winning na direktor na si Bb. Joyce Bernal.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hindi na maniningil sa Bernal ng talent fee.

Dahil sa libre, wala na aniyang kontrata na lalagdaan ang palasyo at si Bernal.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaayos pa ng palasyo ang kontata ni Bernal para sa pagdidirek sa SONA ng pangulo.

Sa naunang dalawang SONA ng pangulo, ang international award winning na direktor na si Brillante Mendoza ang nagdirek sa talumpati ng pangulo.

Pawang libre rin ang serbisyo ni Mendoza.

TAGS: Joyce Bernal, Radyo Inquirer, SONA, Joyce Bernal, Radyo Inquirer, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.