Residential area sa Pasay City tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang bahagi ng residential area sa Pasay City.

Nasunog ang mga bahay sa Mary Luz Street na sakop ng Barangay 127.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at dahil masikip ang lugar, nahirapan ang mga bumbero na mailapit ang kanilang fire truck.

Alas 5:33 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ilang mga bahay ang nadamay at kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

Read more...