4 kabilang ang 3 estudyante arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Makati

Tatlong estudyante at isang delivery boy ang naaresto makaraang maaktuhan sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kabilang sa nadakip ay isang 17 anyos lamang na lalaki.

Ayon sa Makati City police, nakatanggap sila ng tip hinggil sa nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa bahagi ng Nuestra Señora St.

Dahil dito, agad nagkasa ng operasyon ang Police Community Precinct (PCP) 7 at doon ay naaktuhan nila ang mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at apat na sachet ng hinihinalang marijuana.

Read more...