Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang 12 shipments ng steel pipes at tubes mula sa China na overweight o lampas sa timbang.
Ayon sa BOC, nasabat ang kontrabando na galing sa Guangzhou at Hebei sa China matapos madiskubre na lampas ito sa idineklarang timbang na 16,380 kilo.
Sinabi ng ahensya na ang steel pipes at tubes ay may timbang na 27,100 kilo batay sa report ng Pier Inspection Division.
Dumating ang shipments sa Manila International Container Port (MICP) noong June 7 at naka-consign sa isang Siegrich Enterprise nan aka-base sa Escolta, Manila.
Samantala, nakumpiska rin ng BOC ang isa pang 3X40-footer container na naka-consign sa Hepomlan Trading dahil sa misdeclaration at kawalan ng naukulang mga permit.
Ang kontrabando ay tinatayang P12 mllion ang halaga at hinihintay na lamang ang paglalabas ng warrant of seizure and detention.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.